Ipinatalastas nitong Pebrero 24, 2022, ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na maglalaan ang UN ng US$20 M para sa pangkagipitang makataong kahilingan ng Ukraine at mga lugar sa paligid nito.
Nanawagan si Guterres sa iba’t ibang may kinalamang panig na dapat sundin ang pandaigdigang batas sa karapatang pantao, at pandaigdigang batas na humanitariyan, at unahin ang pangangalaga sa mga mamamayan.
Aniya, hindi permanente ang kasalukuyang kalagayan, ang kapasiyahan sa darating na ilang araw ay dapat nakatuon sa “pagtatayo ng daigdig ng lahat” at ang epekto nito sa buhay ng milyung-milyong tao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac