Espesyal na operasyong militar sa rehiyon ng Donbas, ipinatalastas ni Putin

2022-02-24 15:34:33  CMG
Share with:

Espesyal na operasyong militar sa rehiyon ng Donbas, ipinatalastas ni Putin_fororder_20220224Putin

Sa kanyang nakatelebisyong talumpati, Huwebes, Pebrero 24, 2022, ipinatalastas ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang paglulunsad ng “espesyal na operasyong militar” sa rehiyon ng Donbas sa silangang Ukraine.
 

Sinabi niyang walang-balak sakupin ng Rusya ang Ukraine, pero, binigyang-diin niyang hindi rin katanggap-tanggap ang ekspansyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at paggamit nito sa teritoryo ng Ukraine.
 

Hindi aniya maaaring pahintulutan ng Rusya ang anumang bantang galing sa Ukraine.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method