Tsina nanawagang magtimpi ang iba’t ibang panig hinggil sa isyu ng Ukraine

2022-02-25 16:20:54  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Pebrero 24, 2022, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang pinakahuling kalagayan ng Ukraine.

Tsina nanawagang magtimpi ang iba’t ibang panig hinggil sa isyu ng Ukraine_fororder_05hua

Nanawagan ang Tsina sa iba’t ibang may kinalamang panig na magtimpi para maiwasan ang lalo pang paglala ng kalagayan.

 

Aniya, masalimuot at may pangkasaysayang konteksto ang isyu ng Ukraine.

 

Kaugnay ng tanong kung ipagkakaloob ba o hindi ng Tsina ang militar na kagamitan sa Rusya, ipinahayag ni Hua na hindi ipagkakaloob ng Tsina ang sandata sa panig na nagtutunggalian, at bilang isang makapangyarihang malaking bansa, hindi kailangan ng Rusya ng suportang militar na galing sa Tsina o iba pang panig.

 

Binigyan-diin ni Hua na ang relasyong Sino-Ruso ay batay sa prinsipyong “non-alignment, non-confrontation and non-targeting of third parties,” na ibang-iba kumpara sa paksyon ng panig Amerikano na binuo ang ideolohiya.

 

Hindi titingnan ng Tsina ang isang bansa bilang kaibigan o kalaban batay sa kaisipan ng Cold War, at hindi ring bubuuin ang umano’y alyansa at maliliit na grupo, sinabi pa ni Hua.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method