Nakipag-usap sa telepono nitong Pebrero 24, 2022, si Pangulong Vladmir Putin ng Rusya, sa mga lider ng iba’t ibang bansa, na kinabibilangan nina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Punong Ministrong Narendra Modi ng India, Ebrahim Raisi ng Iran at iba pa, ayon sa balita ng Kremlin.
Russian President Vladimir Putin speaks during a meeting with representatives of the business community at the Kremlin in Moscow, Russia, February 24, 2022. /Reuters
Sa mga pag-uusap, isinalaysay ni Putin ang kalagayan sa Ukraine, dahilan ng pagsasagawa ng Rusya ng militar na aksyon sa rehiyong Donbas, at paninindigan ng Rusya sa isyung ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Pangulong Pranses na patuloy na pananatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Rusya.
Umaasa ang PM ng India na makakatulong ang Rusya sa paggarantiya ng kaligtasan ng mga Indiano sa Ukraine.
Nauunawaan ng Pangulong Iranyo ang pagkabalisa sa seguridad ng Rusya, at natalakay din ng dalawang panig ang isyung nuklear ng Iran.
Salin:Sarah
Pulido:Mac