Tsina sa Amerika: itigil ang pagbale-wala sa prinsipyong Isang Tsina

2022-02-28 16:20:41  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati Pebrero 28, 2022, para sa aktibidad ng paggunita ng ika-50 anibersaryo ng pagkakalagda ng Shanghai Communique ng Tsina at Amerika, nanawagan sa Amerika si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na itigil ang pagbale-wala sa prinsipyong Isang Tsina at pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng bansa.

Tsina sa Amerika: itigil ang pagbale-wala sa prinsipyong Isang Tsina_fororder_01wangyi

Aniya, dapat sundin ng Amerika ang pangako nito sa Tsina at ipatupad ang sariling obligasyong pandaigdig.

 

Aniya pa, dapat itigil ng Amerika ang pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan”para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits at pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Ang kooperasyon ay dapat maging tunguhin ng dalawang bansa, dagdag ni Wang.

 

Bukod dito, hinimok ni Wang ang Amerika na panumbalikin sa rasyonal at pragmatikong paraan ang patakaran tungo sa Tsina, at makipagkooperasyon sa Tsina, sa patnubay ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Ito aniya ay para dalhin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig sa tumpak na direksyon.

 

Matatandaang sa huling araw ng pagbisita ni dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika sa Tsina, nilagdaan ang Joint Communique ng Tsina at Amerika, Pebrero 28, 1972, sa lunsod Shanghai.

 

Ayon dito, kinikilala ng Amerika na “Iisa lamang ang Tsina at ang Taiwan ay bahagi nito.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method