Tsina sa Amerika: Agarang itigil ang cyber activities

2022-02-25 15:48:40  CMG
Share with:

Ibinunyag ng isang ulat na ang National Security Agency (NSA) ng Amerika ay nagsasagawa ng mahigit sampung taong cyber attack at monitoring sa 45 bansa’t rehiyon sa daigdig.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Huwebes, Pebrero 24, 2022 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malubhang pagkabahala ng panig Tsino sa iresponsable’t malisyosong cyber activities na ibinunyag ng naturang ulat.
 

Mariing hinimok niya ang panig Amerikano na ipaliwanag ang hinggil dito, agarang itigil ang ganitong uri ng aktibidad, at ipagtanggol, kasama ng iba’t ibang panig ang kapayapaan at seguridad ng cyberspace, sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon.

Tsina sa Amerika: Agarang itigil ang cyber activities_fororder_20220225cyberspace

Saad ni Hua, ang cyberspace ay komong tahanan ng sangkatauhan, at ang cyber security naman ay komong hamong kinakaharap ng iba’t ibang bansa.
 

Umaasa aniya siyang malalimang sisilipin ng Amerika ang sarili, at isasagawa ang responsableng pakikitungo sa cyberspace.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method