Apoy ng Beijing Winter Paralympic Games, sinindihan

2022-03-01 18:02:48  CMG
Share with:

Apoy ng Beijing Winter Paralympic Games, sinindihan_fororder_015a0d6dbc5949fca52b5c08b018d0de

Apoy ng Beijing Winter Paralympic Games, sinindihan_fororder_721fe4499dc04a268a18ffc38df710a7

Idinaos nitong Lunes, Pebrero 28, 2022 sa Stoke Mandeville Stadium ng Buckinghamshire sa dakong Hilaga ng London ang seremonya ng pagsisindi ng apoy ng Beijing Winter Paralympic Games.

Ang Stoke Mandeville ay lugar kung saan itinaguyod ang kauna-unahang Paralympic games sa kasaysayan noong 1948.

Bukod sa Stoke Mandeville, idaraos din sa Miyerkules, Marso 2, 2022 ang iba pang mga seremonya sa mga lugar ng Beijing, Yanqing at Zhangjiakou para sindihan ang 8 apoy ng Paralympic games.

Idaraos din sa Miyerkules, Marso 2, 2022 sa Temple of Heaven sa Beijing ang seremonya ng pagsasama ng naturang 9 na apoy sa opisyal na apoy ng Beijing Winter Paralympic Games.

Mula ika-2 hanggang ika-4 ng Marso, idaraos ang aktibidad ng paghahatid ng opisyal na apoy ng paralimpiyada sa Beijing, Yanqing at Zhangjiakou.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method