Paggamit ng Amerika sa pondo ng Afghanistan, di-makatuwiran, di-makatao, at ilehitimo - Tsina

2022-03-03 17:05:48  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati nitong Marso 2, 2022, ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ginamit ng Amerika ang ini-freeze na pondo ng Afghanistan sa ibang larangan.

Paggamit ng Amerika sa pondo ng Afghanistan, di-makatuwiran, di-makatao, at ilehitimo - Tsina_fororder_02zhangjun

Si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)

Ito aniya ay isang gawaing hindi makatuwiran, di-makatao, at ilehitimo.

 

Sinabi ni Zhang na, sa kasalukuyan, kinakaharap ng Afghanistan ang gutom at kahirapan, at dapat itigil ang anumang harang na pangkabuhayan o unilateral na sangsyon na tungo sa Afhgaistan.

 

Aniya pa, ginamit ng Amerika ang pondo ng ibang bansa ayon sa panloob na batas, at ang aksyong ito ay walang basehan, isang pananalakay sa soberanya at ari-arian ng Afghanistan, at malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas.

 

Ang mga pondo ng Afghanistan ay napakahalaga para sa pagtatatag ng kaayusan ng lipunan at pag-unlad ng bansa, diin ni Zhang.

 

Muli aniyang nananawagan ang Tsina sa iba’t-ibang kinauukulang bansa na agaran at walang pasubaling ibalik ang mga pondo sa mga mamamayan ng Afghanistan, at huwag isagawa ang double standard sa makataong isyu.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method