Inorganisa Martes, Pebrero 15, 2022 ng libu-libong mamamayan sa Kabul ang demonstrasyon bilang protesta sa pagkamkam ng Amerika ng naka-freeze na ari-arian ng Afghanistan, at kinondena nilang ang ganitong aksyon ng Amerika ay hayagang pagnanakaw.
Saad ng mga demonstrador, ang kilos ng Amerika ay lumalabag sa pandaigdigang batas, at ipagpapatuloy ang kanilang protesta hanggang ibalik ng panig Amerikano ang mga ari-arian ng Afghanistan.
Nilagdaan Pebrero 11, 2022, ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang executive order, na nag-a-awtorisa sa paggamit ng halos kalahati ng 7 bilyong dolyares na frozen Afghan asset sa Amerika bilang kompensasyon sa mga biktima ng terror attack noong Setyembre 11.
Ayon pa sa nasabing kautusan, ililipat ang nalalabing kalahating naka-freeze na ari-arian sa isang account ng Federal Reserve Bank of New York, para sa pagbibigay-tulong sa mga mamamayang Afghan.
Ang aksyong ito ay kinondena ng maraming bansang kinabibilangan ng Afghanistan.
Salin: Vera
Pulido: Mac