Sa pangkagipitang espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) hinggil sa panukalang resolusyon sa isyu ng Ukraine nitong Miyerkules, Marso 2, 2022, nanawagan si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina, na kailangang patingkarin ng UN at mga kaukulang panig ng positibong papel sa pagpapahupa ng krisis ng Ukraine, at paghanap ng diplomatikong solusyon.
Aniya, ang pinakamahalaga ngayon ay pagpapahupa sa abot ng makakaya ng kasalukuyang kalagayan, at pag-iwas sa paglala ng sagupaan, upang hindi mawala sa kontrol ang situwasyon.
Sa harap ng napakasalimuot at sensitibong kalagayan, muli aniyang nananawagan ang panig Tsino sa komunidad ng daigdig na igiit ang pangkalahatang direksyon ng pulitikal na solusyon, at likhain ang paborableng atmospera at kondisyon para sa direktang diyalogo at talastasan ng mga kaukulang panig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio