Idinaos nitong Lunes, Pebrero 28, 2022 ng Asembleya ng United Nations (UN) ang espesyal at pangkagipitang pulong hinggil sa kalagayan ng Ukraine.
Sa pulong na ito, nanawagan si Abdulla Shahid, Tapapangulo ng Ika-76 na Sesyon ng Asembleya ng UN, sa iba’t ibang may kinalamang panig na agarang itigil ang pagpapalitan ng putukan sa Ukraine para muling tahakin ang landas ng paglutas sa isyu ng Ukraine sa paraang diplomatiko.
Ipinahayag din ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na dapat agarang itigil ang digmaan sa Ukraine.
Sinabi niyang ang kapayapaan ay ang tanging landas ng paglutas ng isyu ng Ukraine at dapat panatilihin ang maayos na tsanel ng diyalogo.
Salin: Ernest
Pulido: Mac