Muling kinastigo Marso 1, 2022, ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang mga patakaran ng Tsina sa Xinjiang.
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 2, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito’y lubos na nagpapakita ng totoong layon ng Amerika na sirain ang katatagan at kaunlaran ng Tsina sa katuwiran ng mga isyung may kinalaman sa Xinjiang.
Pero, tiyak na magkakapira-piraso ang kasinungalingan ng Amerika sa harap ng katotohanan, ani Wang.
Sinabi ni Wang, nitong nakaraang mahigit 60 taon, 4 na beses nang nadagdagan ang kabuuang bilang ng populasyon sa Xinjiang ng Tsina; at umabot sa mga 12 milyon ang populasyon ng Uyghur mula 2.2 milyon.
Ang “genocide” na sinasabi ni Blinken ay isang kasinungalingan at imoral, aniya.
Aniya pa, ang Amerika ang siyang direktang nagdodomina ng pagpapakalat ng mga kasinungalingang may-kinalaman sa Xinjiang.
Binigyan-diin ni Wang na malugod na tinatanggap ng Tsina ang mga personaheng walang pagkiling na bumisita sa Xinjiang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio