Tsina, bukas sa pagbisita ng UN High Commissioner for Human Rights sa Xinjiang

2022-01-29 16:40:00  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Enero 28, 2022, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bukas ang Tsina sa pagdalaw ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa bansa pagkaraan ng Beijing Winter Olympics, at aayusin ang kanyang pagbisita sa Xinjiang.

 

Sinabi rin ni Zhao, na ang paanyaya kay Bachelet ay matagal nang ginawa, at mula noon, patuloy ang pag-uugnayan ng dalawang panig tungkol dito.

 

Dagdag niya, malinaw at walang pagbabago ang posisyon ng Tsina sa pagdalaw na ito. Layon nito aniyang pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan, at tinututulan ng panig Tsino ang pagsasamantala ng anumang panig ng suliraning ito para sa manipulasyong pulitikal.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method