Ipinahayag nitong Huwebes, Marso 3, 2022 sa Beijing ni Guo Weimin, Tagapagsalita ng Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na noong 2021, mataimtim na ipinatupad ng CPPCC at Pirmihang Lupon nito ang mga tungkulin at papel nito sa konsultasyong pulitikal para mapasulong ang mga usapin ng bansa at Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ipinahayag ni Guo na ang CPPCC ay mahalagang tsanel at espesyal na konsultatibong sistema sa sosyalistang demokrasya. Ito rin aniya ay mahalagang sistema para paunlarin ang whole-process people's democracy.
Kaugnay ng isyu ng zero Covid-policy sa epidemiya, sinabi ni Guo na ang resulta ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19 ay nagpapakitang ang patakarang ito ay angkop sa aktuwal na kalagayan ng Tsina at siyentipikong batas.
Sinabi pa ni Guo na dahil ginamit ng Tsina ang tamang pakataran ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19, maagang napaangat ang kabuhayan ng Tsina. Ito aniya ay naggarantiya sa saligang katatagan ng pandaigdigang industry chain at supply chain.
Mula ika-4 hanggang ika-10 ng Marso, idaraos sa Beijing ang Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Komite ng CPPCC.
Salin: Ernest
Pulido: Mac