Iniulat kamakailan ng ilang mediang kanluranin na maagang nalaman ng Tsina ang planong militar na aksyon sa Ukraine ng Rusya.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 3, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang Tsina na malalim na pag-iisipan ng mga may sala ng krisis na ito ang papel nila sa krisis ng Ukraine. Nawa ay aktuwal na isabalikat ang responsibilidad, at magsikap para mapahupa ang kalagayan at lutasin ang problema sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, sa halip na ibaling ang sisi sa ibang bansa.
Tinukoy din ni Wang na ikinabalisa ng Tsina ang isyung “papaaalis ng Amerika ang 12 pirmihang diplomata ng Rusya sa United Nations” sa dahilang pag-iispiya. Ipinahayag niyang dapat isakatuparan ng Amerika ang United Nations Headquarters Agreement na may mabuting kalooban, ipagkaloob ang kaginhawaan at paggarantiya para sa mga diplomatang miyembro ng UN, sa halip na abusuhin ang kakayahan nito bilang host country at unilateral na gawain ang kapasiyahan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac