Rusya at Ukraine, umayong itatatag ang makataong lagusan

2022-03-04 14:29:09  CMG
Share with:

 

Rusya at Ukraine, umayong itatatag ang makataong lagusan_fororder_20220304Ukraie1

Sa katatapos na ika-2 round ng talastasan ng Rusya at Ukraine na idinaos nitong Huwebes, Marso 3, 2022 sa Belarus, umayon ang dalawang bansa sa pagtatatag ng mga makataong lagusan o humanitarian corridors para sa mga lumilikas na sibilyan.

Sinang-ayunan din ng Rusya at Ukraine ang pagdaraos ng ika-3 round ng talastasan sa malapit na hinaharap.

Rusya at Ukraine, umayong itatatag ang makataong lagusan_fororder_eb9aff643a99420291c0e04932a3924a

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ang aksyong militar sa Ukraine ay umuusad ayon sa plano.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method