Paralympic Heritage Flame para sa Beijing Winter Paralympics, sinindihan

2022-03-01 23:36:04  CMG
Share with:

图片默认标题_fororder_微信图片_20220301223129

Ang Paralympic Heritage Flame para sa Beijing Winter Paralympics ay sinindihan nitong Pebrero 28, 2022, sa Stoke Mandeville, isang nayon sa dakong hilagang-kanluran ng London, kabisera ng Britanya, na kinikilala bilang lupang tinubuan ng paralimpiyada.

 

Dumalo sa seremonya sina Angie Malone at Aileen Neilson, dalawang atletang Britaniko ng wheelchair curling na nakakuha ng mga medalya sa paralimpiyada. Sinindihan ni Malone ang apoy.

 

Sa pamamagitan ng virtual na paraan, ang apoy ay ipapadala mula Stoke Mandeville sa Beijing, at ang torch relay ay isasagawa mula Marso 2 hanggang Marso 4 sa tatlong competition zone ng Beijing Winter Paralympics sa Beijing, Yanqing at Zhangjiakou.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method