Wang Yi: relasyong Sino-Amerikano, dapat ibalik sa tamang landas

2022-03-07 16:39:36  CMG
Share with:

 

Sa news briefing na idinaos Lunes, Marso 7, 200 sa Beijing, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat sariwain ang diwa ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika at panumbalikin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa tamang landas.

Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, ang zero-sum game ay hindi tamang pagpili ng dalawang bansa.

Aniya, batay sa prinsipyo ng paghahanap ng komong palagay at pagsasaisantabi ng pagkakaiba, isinapubliko noong 1972 ng Tsina at Amerika ang Joint Communique para piliin ang kooperasyon kapalit ng konprontasyon.

Ito aniya ay nakapagbigay ng ambag at pakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa at pandaigdigang kapayapaan at kasaganaan.

Sinabi pa ni Wang na sa hinaharap, dapat magkasamang magsikap ang dalawang bansa para mapanumbalik ang kanilang bilateral na relasyon sa tamang landas batay sa tatlong prinsipyong gaya ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method