Dapat agad na ibalik ng Amerika ang pondo ng Afghanistan ng walang kondisyon - Tsina

2022-03-08 21:47:24  CMG
Share with:

Hinimok ng Tsina ang Amerika na dapat bayaran ang pinsalang idinulot nito sa mga mamamayan ng Afghanistan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Ipinahayag ito nitong Marso 7, 2022, sa Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UNHCR), ni Jiang Duan, Pirmihang Sugo ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, at sugo ng delegasyong Tsino ng ibang organisasyong pandaigdig sa Swizerland.

Dapat agad na ibalik ng Amerika ang pondo ng Afghanistan ng walang kondisyon - Tsina

Inilahad ni Jiang ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Afghanistan.

 

Sinabi niyang sa kasalukuyan, ang Afghanistan ay nasa kritikal na panahon ng pagbabago mula kaguluhan tungo sa kaayusan. Kailangan nito ng pangunawa at suporta ng komunidad ng daigdig.

 

Aniya, buong tatag na nilalabanan ng Afghan caretaker government ang lahat ng terorismong organisasyon, at nagsisikap para sa mapagkaibigang pakikipamumuhay sa iba’t ibang bansa ng daigdig.

 

Ipinagkaloob na ng Tsina ang makataong tulong na nagkakahalaga ng halos 300 milyong RMB para tulungan ang mga Afghans, dagdag niya.

 

Ang Amerika ang nagsimula ng isyu ng Afghanistan. Hinihimok ng Tsina ang Amerika na dapat agad na alisin ang unilateral na sangsyon sa Afghanistan, at ibalik ang pondo ng mga mamamayang Afghan ng walang hinihinging kapalit, diin ni Jiang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method