Nabuo sa Tsina ang pinaka malawak na sistema ng segurong panlipunan sa daigdig.
Sa joint group meeting ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa panahon ng kasalukuyang “Two Sessions” ng Tsina, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kasabay ng pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng usapin ng segurong panlipunan, dapat tuluy-tuloy na pahigpitin ang network ng seguridad ng segurong panlipunan, para makapaglatag ng pundasyon sa maligayang pamumuhay ng mga mamamayan.
Aniya, dapat bigyan ng espesyal na pansin at pagmamahal ang mga mahihirap, at tulungan silang matugunan ang mga kahirapan.
Salin: Vera
Pulido: Mac