Binigyang-diin nitong Linggo, Marso 6, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igarantiya ang kaligtasan ng pagkaing-butil ng bansa.
Aniya, ang isyu ng pagkaing-butil ay pundamental at estratikong isyu para sa isang bansa, at ito ay may-kinalaman sa pambansang kabuhayan at katatagang panlipunan.
Dapat lubos na pahalagahan ang usapin hinggil sa kaligtasan ng pagkaing-butil, diin niya.
Dagdag ni Xi, kailangang ma-abot ang output na higit 650 bilyong kilo bawat taon.
Samantala, kinumusta rin ni Pangulong Xi Jinping ang mga kagawad mula sa sirkulo ng agrikultura, social welfare at guarantee na kalahok sa Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).