Kataas-taasang Hukuman ng Tsina: buong tatag na gaganti sa “long arm jurisdiction” ng dayuhan laban sa mga kompanya at mamamayang Tsino

2022-03-08 16:26:09  CMG
Share with:

Sa work report ng Kataas-taasang Hukuman ng Tsina na inilabas ngayong araw, Marso 8, 2022, tinukoy nitong buong tatag na gaganti sa “long arm jurisdiction” ng mga banyagang bansa laban sa mga kompanya at mamamayang Tsino, alinsunod sa batas.
 

Anang ulat, buong tatag na pangangalagaan ng mga hukumang Tsino ang kaayusang pandaigdig na ang pundasyon ay pandaigdigang batas, at ipagtatanggol ang soberanya ng bansa at karapatan sa pangangasiwa ng hustisya.
 

Ipinagdiinan din ng ulat na dapat puspusang buuin ang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method