Tsina sa Amerika: Ang pagdadawit sa Tsina sa isyu ng Ukraine ay “kasuklam-suklam at malisyoso”

2022-03-10 16:32:06  CMG
Share with:

Ayon sa dalawang artikulong inilabas kamakailan ng New York Times, isang ayaw-magpakilalang opisyal Amerikano ang nagsabing di-umano’y maagang alam ng Tsina ang planong militar ng Rusya sa Ukraine.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 9, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinakalat ng Amerika ang pekeng impormasyon, at ang layon nito’y isabit ang Tsina sa komprontasyon upang matamo ang pulitikal na benepisyo.

Tsina sa Amerika: Ang pagdadawit sa Tsina sa isyu ng Ukraine ay “kasuklam-suklam at malisyoso”_fororder_02zhaolijian

Kasuklam-suklam at malisyoso ang gawaing ito, diin ni Zhao.

 

Aniya, ipinagwawalang-bahala ng Amerika ang sarili nitong responsibilidad, ngunit binabatikos nito ang paninindigan ng Tsina sa isyung may kinlaman sa Ukraine.

 

Maliwanag na ito ay para “sugpuin ang kapuwa Tsina at Rusya,” at pangalagaan ang hegemonya ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method