Inihayag kamakailan ng Ministri ng Depensa ng Rusya na dahil sa “espesyal na operasyong militar” na inilulunsad nito laban sa Ukraine, natuklasan ang ilang plano ng biolohikal na laboratoryo sa Ukraine na pinondohan ng Amerika.
Bukod pa riyan, madaliang tinanggal ng Embahada ng Amerika sa Ukraine sa official website nito ang mga kaukulang impormasyon hinggil sa biolohikal na laboratoryo noong katapusan ng nagdaang Pebrero.
Mayroon bang kinatatakutan ng Amerika? Mayroon bang inililihim ang daan-daang biolohikal na laboratoryo ng Amerika sa ibayong dagat?
Ayon sa datos na isinapubliko ng panig Amerikano, mayroong 26 na biolohikal na laboratoryo ang Amerika sa Ukraine, at ang mga ito ay ganap na kontrolado ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika.
Ayon pa sa ulat, ang mga laboratoryo ay ginagamit na imbakan ng mga mapanganib na virus.
Ang pagtanggal sa website ng naturang mga impormasyon ay maliwanag na naglalayong itago sa panig Ruso ang mga may-kinalamang datos, at iwasan ang pananagutan kaugnay ng nasabing mga biolohikal na laboratoryo.
Isiniwalat din ng media na kontrolado ng Amerika ang 336 na biolohikal na laboratoryo sa 30 bansa.
May kinalaman ang naturang mga laboratoryo at pagsiklab ng mga pambihirang nakahahawang sakit sa mga kinaroroonan ng mga ito.
Hinding-hindi maililihim ang katotohanan.
Parami nang paraming ebidensya ang nagpapatunay na ang ginawa ng panig Amerikano ay salungat sa Biological Weapons Convention, at dapat tanggapin nito ang pagsisiyasat ng komunidad ng daigdig.
Upang igarantiya ang kalusugan at seguridad ng mga mamamayan ng Ukraine at nakapaligid na rehiyon, dapat isapubliko sa lalong madaling panahon ng Amerika ang kaukulang konkretong impormasyon, at komprehensibong ipaliwanag ang hinggil sa mga aktibidad nito kaugnay ng pagkakaroon ng mga biolohikal na laboratoryo sa loob at labas ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio