Yoon Suk-yeol, nahalal bilang bagong pangulo ng Timog Korea

2022-03-10 12:04:56  CMG
Share with:

Yoon Suk-yeol, nahalal bilang bagong pangulo ng Timog Korea_fororder_20220310YoonSuk-yeol

Ayon sa resultang inilabas Huwebes, Marso 10, 2022 ng National Election Commission ng Timog Korea, nagwagi sa ika-20 halalang pampanguluhan ng bansa si Yoon Suk-yeol, kandidato ng People Power Party, pinakamalaking partidong oposisyon ng bansa.
 

Ayon sa bilangan, nagwagi si Yoon sa 48.56% ng mga balota.
 

Kasunod niya si Lee Jae-myung ng naghaharing partido na Democratic Party, na nagkaroon ng 47.83% balota.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method