Botohan sa halalang pampanguluhan ng Timog Korea, sinimulan

2022-03-09 15:51:19  CMG
Share with:

 

Botohan sa halalang pampanguluhan ng Timog Korea, sinimulan_fororder_20220309electionKorea2

Botohan sa halalang pampanguluhan ng Timog Korea, sinimulan_fororder_20220309electionKorea1

Botohan sa halalang pampanguluhan ng Timog Korea, sinimulan_fororder_20220309electionKorea

Sinimulan ngayong umaga, Miyerkules, Marso 9, 2022 ang botohan para sa ika-20 halalang pampanguluhan ng Timog Korea.

 

Mahigit 44 milyong rehistradong botante ang kalahok sa eleksyon, at ito ay tatagal mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

 

Samantala, ayon sa mga naunang sarbey, sina Lee Jae-myung, kandidato sa pagkapangulo ng Democratic Party, at Yoon Suk-yeol, kandidato sa pagkapangulo ng People Power Party ang mga nangunguna.

 

Ang pangulo ng Timog Korea ay mayroon lamang 5 taong termino, at hindi na muli siya maaaring kumandidato sa parehong posisyon.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

 

Please select the login method