Serbisyo para sa mga atleta ng Beijing Winter Paralympics, maayos

2022-03-11 15:15:04  CMG
Share with:

 

Serbisyo para sa mga atleta ng Beijing Winter Paralympics, maayos_fororder_20220311paralympic

Sa news briefing na idinaos nitong Huwebes, Marso 10, 2022 sa Main Media Center ng Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics, inilahad ng Tagapagsalita ng Beijing 2022 Organizing Committee for the Olympic Games ang mga kalagayan hinggil sa pagtatayo ng mga barrier free facilities at pagkakaloob ng mga serbisyo para sa mga atletang may kapansanan.

Ipinahayag ng tagapagsalita na sa kasalukuyan, ang Paralympic Village ay nagkakaloob ng 24 oras na serbisyo para sa mga atleta at mga opisiyal ng delegasyon na kinabibilangan ng mga serbisyong medikal at pagkukumpuni sa mga wheelchair at prosthetics.

Bukod dito, inilahad din ng tagapagsalita na kauna-unahang ginamit ng Beijing Winter Paralympics ang teknolohiya ng 4K Ultra High Definition sa pagsasahimpapawid ng mga paligsahan ng paralimpiyada at paggawa ng mga video hinggil sa kaalaman ng paralimpiyada. Ito aniya ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng mga mamamayang Tsino sa paralimpiyada.

Serbisyo para sa mga atleta ng Beijing Winter Paralympics, maayos_fororder_20220311paralympic1

Kaugnay nito, sinabi ni Craig Spence, Tagapagsalita ng International Paralympic Committee (IPC), na pinasalamatan ng IPC ang pagsisikap ng mga bansang tumatangkilik sa paralimpiyada para i-promote ang mga paralympic sports. Hinangaan niya ang magandang bunga ng Tsina hinggil dito.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method