Pinakahuling kaganapan sa Ukraine: Koryente sa Chernobyl nuclear power plant naibalik na; Pagtatagpo ng mga FM ng Rusya at Ukraine, walang resulta

2022-03-11 17:29:23  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Marso 10, 2022, ng Pangalawang Ministro sa Enershiya ng Rusya, na sa kasalukuyan, napanumbalik na ang koryente sa Chernobyl nuclear power plant na kontrolado ng hukbong militar ng Rusya.

 

Bukod dito, nagtagpo nitong Marso 10, 2022, sa Antalya, Turkey sina Dmytro Kuleba, Ministrong Panlabas ng Ukraine, at Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.

 

Ito ang pagtatagpo sa pinakamataas na antas ng Ukraine at Rusya sapul nang sinimulan ang espesyal na aksyong militar ng Rusya nitong Pebrero 24, 2022.

 

Pagkatapos ng pagtatagpo, sinabi ni Kuleba na walang progreso ang dalawang bansa sa isyu ng tigil-putukan. Pero ayon kay Lavrov, nakahandang patuloy na pananatilihin ng Rusya ang diyalogo sa Ukraine.

Pinakahuling kaganapan sa Ukraine: Koryente sa Chernobyl nuclear power plant naibalik na; Pagtatagpo ng mga FM ng Rusya at Ukraine, walang resulta_fororder_02ukraine

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method