Grupong medikal ng Tsina, nagpunta sa Cambodia para tumulong sa pagpapahupa ng COVID-19

2022-03-13 14:45:54  CMG
Share with:

Alinsunod sa kasunduang nilagdaan noong Enero 25, 2022 ipinadala ng Tsina sa Cambodia ang isang grupong medikal na pangunahing binubuo ng mga doktor ng Tradisyunal na Medisinang Tsino para tumulong sa pakikibaka ng bansa sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ang naturang grupo ay ang unang mga doktor ng Tradisyunal na Medisinang Tsino na ipinadala ng Tsina sa ibang bansa.

Isang taong mananatili sa Cambodia ang nasabing pangkat.

Kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang kalagayan ng pandemiya at kalusugan sa lokalidad.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method