News briefing hinggil sa bunga ng Beijing Winter Paralympics, idinaos

2022-03-13 14:44:43  CMG
Share with:

Main Media Center (MMC) ng Beijing Winter Paralympics — Isang news briefing ang idinaos nitong Sabado, Marso 12, 2022 ng International Paralympic Committee (IPC) hinggil sa  mga natamong bunga ng Beijing 2022 Winter Paralympics.

Ipinahayag ni Andrew Parsons, Presidente ng IPC, na naisakatuparan ng Beijing Organizing Committee para sa Paralympic Winter Games ang di-kapani-paniwalang gawain.

Binigyan aniya ng lubos na papuri ng mga personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ang mga natamong bunga ng nasabing palaro ng Taglamig.

Nagpasalamat din si Parsons sa ibinigay na napakalaking pagsisikap ng Beijing Organizing Committee para sa Paralympic Winter Games nitong 7 taong nakalipas.

Natamo ng Paralimpiyada ng Taglamig ng Beijing ang historikal na breakthrough, diin pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method