Yang Jiechi, ipinaliwanang ang paninidigang Tsino hinggil sa kalagayan ng Ukraine

2022-03-15 14:44:53  CMG
Share with:

 

Ipinaliwanag nitong Lunes, Marso 14, 2022 ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang paninindigang Tsino hinggil sa kalagayan ng Ukraine.

 

Nang araw ring iyon, nagtapo sina Yang Jiechi at Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika, sa Roma, kabisera ng Italya.

 

Tinukoy ni Yang na palagiang iginigiit ng panig Tsino na igalang ang soberaniya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa at sundin ang prinsipyo at layunin ng UN Charter. Nanawagan si Yang sa komunidad ng daigdig na magkasamang suportahan ang talastasang pangkapayapaan ng Rusya at Ukraine para mapahupa ang kasalukuyang tensyon ng rehiyong ito sa lalong madaling panahon. Sinabi ni Yang na dapat panatihilin ng iba’t ibang panig ang pagtitimpi para maiwasan ang malawakang makataong krisis. Sinabi pa ni Yang na ipinagkaloob ng panig Tsino ang pangkagipitang makataong tulong sa Ukraine at nakahandang ipagpatuloy ang ganitong pagsisikap.

 

Ipinahayag ni Yang na dapat sariwain ang kasaysayan ng isyu ng Ukraine at ipaliwanag ang mga katotohanan hinggil dito. Sinabi niyang hinihimok ng Tsina ang pagsasagawa ng mga may kinalamang panig ng pantay na diyalogo at pagtatatag ng mekanismong panseguridad ng Europa na balense, mabisa at sustenable.

 

Binigyang-diin ni Yang na matatag na tinututulan ng panig Tsino ang anumang pananalita at kilos sa paglalabas ng mga pekeng impormasyon at paglilipit ng paninindigang Tsino.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method