CMG Komentaryo: Malaki ang ambag ng kabuhayang Tsino sa daigdig noong taong 2021

2022-03-01 18:22:40  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat na inilabas nitong Lunes, Pebrero 28, 2022, ng National Bureau of Statistics ng Tsina, ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino noong 2021 ay umabot sa 8.1% at ang bahagdan ng paglaki ng karaniwang GDP ng bawat mamamayang Tsino ay umabot sa 8%.

Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang nabanggit na bilang ay nakakapagpasigla ng malaki sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Bukod dito, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina sa mga produkto noong 2021 ay umabot sa 39.1 trilyong yuan RMB o halos 6.2 trilyong US Dollars. Ito ay lubos na nagpapakitang kailangan ng pamilihang pandaigdig ang mga produktong yari sa Tsina at ang konsumo ng mamimili ng mga mamamayang Tsino ay nakakalikha ng malaking pangangailangan sa pamilihang pandaigdig.

Para sa mga bahay-kalakal sa daigdig, ang pamilihang Tsino ay nagkakaloob ng mas madali at magandang kapaligiran para sa pamumuhunan at operasyon.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method