Nag-usap sa telepono nitong Martes, Marso 15, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hossein Amir Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran.
Ipinaalam ni Abdollahian kay Wang ang pinakahuling progreso sa talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) sa isyung nuklear ng Iran.
Pinasalamatan niya ang konstruktibong papel ng Tsina sa talastasan at umaasa siyang patuloy na susuportahan ng Tsina ang talastasan.
Ipinahayag ni Wang na patuloy na kinakatigan ng Tsina ang pagkakaroon ng kasunduan hinggil sa pagpapanumbalik ng pagsasakatuparan ng JCPOA sa lalong madaling panahon.
Sinabi pa ni Wang na sinusuportahan ng Tsina ang pangangalaga ng Iran sa sariling lehitimong kapakanan at tinututulan ang bilateral na sangsyong walang batayan ng pandaigdigan batas.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng Iran, ang pagtutulungan at pagkokoordihanan para pasulungin ang paglutas ng isyung nuklear ng patungo sa direksyong nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Ernest
Pulido: Mac