Sa talumpati kamakailan ng kinatawang Tsino sa Ika-49 Sesyon ng Konseho ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao, ipinahayag niya ang pagkabahala sa kalupitan ng mga pulis at labis na pagpapahirap na nagaganap sa Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 15, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagaganap sa Amerika ang di matapos na insidente ng pagkamatay dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng mga pulis na Amerikano.
Bukod dito, madalas ding ibinubunyag ng mga media ang torture, pang-aabuso at karahasan sa iba’t ibang pasilidad ng detensyon na kinabibilangan ng mga pribadong kulungan sa Amerika.
Ani Zhao, pinatutunayan ng katotohanan na hindi dapat tawagin ng Amerika ang sarili bilang beacon o defender ng karapatang pantao, o magbintang ng walang batayan hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac