Pagdalaw sa Tsina ng mataas na komisyoner ng UN sa karapatang pantao, kumpirmado

2022-03-10 12:02:59  CMG
Share with:

Kinumpirma Miyerkules, Marso 9, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalaw sa bansa sa Mayo si Michelle Bachelet, Mataas na Komisyoner ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao.
 

Saad ni Zhao, winewelkam ng panig Tsino ang pagbisita ni Ginang Bachelet sa Tsina at Xinjiang, at nagsasanggunian ang kapuwa panig hinggil sa mga konkretong petsa ng nasabing pagbisita.
 

Aniya, ipagkakaloob ng Tsina ang ginhawa para sa kanyang pagdalaw.
 

Samantala, ipinagdiinan ni Zhao na layon ng naturang pagbisita na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig.
 

Palagiang tinututulan ng Tsina ang manipulasyong pulitikal ng ilang bansa, gamit ang usaping ito, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method