Nakipag-usap sa telepono Miyerkules, Marso 16, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Gurbanguly Berdimuhamedov at Serdar Berdimuhamedov, Pangulo at bagong halal na Pangulo ng Turkmenistan.
Ipinaa-abot ni Xi ang pagbati sa maayos na pagkakadaos ng halalang pampanguluhan sa bansa at pagkakahalal ni Serdar Berdimuhamedov bilang pangulo.
Tinukoy ni Pangulo Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon ng dalawang bansa.
Aniya, matatag na tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng anumang dayuhang puwersa sa mga suliraning panloob ng Turkmenistan. Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin, kasama ng Turkmenistan, ang bilateral na relasyon sa bagong antas.
Binigyang-diin ni Xi na dapat patuloy na pasulungin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa enerniya at iba pang mga larangan.
Ito aniya ay para makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ibinigay naman nina Gurbanguly Berdimuhamedov at Serdar Berdimuhamedov ang mataas na pagtasa sa mga natamong bunga ng relasyon ng dalawang bansa nitong ilang taong nakalipas.
Ipinahayag nilang patuloy at matatag na igigiit ng kanilang bansa ang patakarang pangkaibigan sa Tsina.
Sinabi rin nilang nakahanda ang Turkmenistan na pasulungin, kasama ng Tsina, ang komprehensibong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan para pataasin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio