Nag-usap sa telepono kahapon ng hapon sina Xi Jinping at George Vella, mga Presidente ng Tsina at Malta.
Sinabi ni Xi na ang Tsina at Malta ay kaibigan na nakaranas ng maraming tagumpay at kabiguan. Nitong 50 taong nakalipas, kahit pa nagbago ang kalagayan sa buong daigdig, nananatiling matatag at malusog ang relasyon ng dalawang panig. Sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng Malta para ibayo pang mapasulong ng kani-kanilang relasyon at maging modelo ng pagpapalagayan ng mga bansang magkakaiba ang lahi, sistemang panlipunan, kasaysayan at kultura.
Ipinahayag ni Vella na tuwang tuwang siyang nakipag-usap kay Pangulong Xi sa bisperas ng Ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Pinapurihan ng Malta ang tulong ng bakuna na ibinigay ng Tsina sa komunidad ng daigdig at malaking ambag sa pagpapahupa ng climate change. Umaasa aniya siyang palalakasin ang kooperasyon sa panig Tsino at hinahangad ang malaking tagumpay ng Beijing Winter Olympic Games.
Salin: Sissi
Pulido: Mac