Tugon ng Tsina sa bantang sangsyon ng Amerika: Malakas na ganting-sangsyon, isasagawa

2022-03-17 16:42:04  CMG
Share with:

Kaugnay ng banta ng Amerika na magsagawa ito ng sangsyon sa Tsina, ipinahayag Marso 16, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng kanyang bansa ang unilateral na sangsyon at long-arm jurisdiction ng Amerika sa anumang porma.

Tugon ng Tsina sa bantang sangsyon ng Amerika: Malakas na ganting-sangsyon, isasagawa_fororder_01amerika_conew1

Aniya, kung magpapataw ng sangsyon ang Amerika sa Tsina, tiyak na isasagawa ng Tsina ang malakas na kontra-sangsyon.

 

Tinukoy niyang ipinalabas kamakailan ng Amerika ang mga probokatibong pananalita tungo sa Tsina, na lubos na nagpakita ng kaisipan ng Amerika ng Cold War.

 

Aniya, sa isyu ng Ukraine, palagiang nananawagan ang Tsina na lutasin ang krisis sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Iresponsable at imoral ang anumang pekeng impormasyon na nakatuon sa paninirang-puri, diin ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method