Tsina, nanawagan sa UNHRC na bigyang-pansin ang pagpaslang ng mga kanluraning bansa sa mga batang Afghani

2022-03-17 15:05:33  CMG
Share with:

 

Sa ika-49 na pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) Miyerkules, Marso 16, 2022 ipinanawagan ng kinatawan ng Tsina sa UNHRC at Espesyal na Kinatawan ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa Isyu ng Kabataan at Sandatahang Sagupaan na pagtuunan ng pansin ang pagpaslang ng mga kanluraning bansa na gaya ng Amerika, Britanya at Australia sa mga batang Afghani.

Sinabi ng kinatawang Tsino na sapul nang ilunsad ng Amerika ang aksyong militar sa Afghanistan, di-kukulangin sa 26 na libong batang Afghani ang naging biktima sa sagupaan, mula 2005 hanggang 2019.

Aniya pa, mula 2016 hanggang 2020, halos 1,600 batang Afghani ang namatay sa mga air raid ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pinamumunuan ng Amerika.

Ang bilang ito ay katumbas ng halos 40% ng kabuuang bilang ng mga kasuwalti sa air raid, saad niya.

Binigyang-diin ng panig Tsino na hindi naparusahan batay sa batas ang mga may-kagagawan sa nabanggit na mga krimen.

Ipinahayag din niyang dapat pigilan ang kapinsalaan sa mga kabataan na dulot ng sandatahang sagupaan, at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasangunian ng mga may-kinalamang panig, sapagkat ito ay nakakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan.

Salin:Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method