CMG Komentaryo: Double standard sa isyu ng refugee, nagpapakita ng paglapastangan at pagkiling ng Amerika at mga bansang kanluranin

2022-03-17 16:25:39  CMG
Share with:

Miyerkules, Marso 15, 2022 ay ika-11 anibersaryo ng pagsiklab ng krisis ng Syria.
 

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng United Nations (UN), nitong nagdaang 11 taon, di-kukulangin sa 350,000 katao ang nasawi, mahigit 12 milyong mamamayan ang ilang beses nang nawalan ng tahanan, at 14 milyong sibilyan ang nangangailangan ng makataong saklolo.
 

Kaugnay nito, nanawagan ang pangkalahatang kalihim ng UN sa iba’t-ibang panig na isagawa ang aktuwal na aksyon, at pabilisin ang prosesong pulitikal, upang bigyang-wakas ang 11-taong kalungkutan ng mga mamamayang Syrian.
 

Pero tila hindi nakukuha ng nasabing panawagan ang pansin ng mga bansang kanluranin.
 

Sa halip, nakapokus ngayon ang Amerika at mga bansang kanluranin sa Ukraine, at ipinamalas ang napakalaking pakikiramay sa mga Ukrainian refugee.

CMG Komentaryo: Double standard sa isyu ng refugee, nagpapakita ng paglapastangan at pagkiling ng Amerika at mga bansang kanluranin_fororder_20220317komentaryo

Pinagdududahan ng maraming tao ang intensyon ng Amerika at mga kaalyado nito sa isyu ng Ukraine.
 

Ayon sa ilang media at pulitikong kanluranin, bakit ganoon na kalakas ang aksyon ng Amerika sa isyu ng Ukraine, pero, wala itong ginagawa sa malaking makataong kapahamakan sa Syria at Afghanistan?
 

Bakit hindi binabanggit ng Amerika at mga bansang kanluranin ang mga  krimen ng tropang Amerikano sa Afghanistan? Nasaan ang kanilang damdamin ng pakikiramay dito?
 

Sa katunayan, kahiya-hiya ang ginagawang papel ng Amerika sa digmaan ng Afghanistan at Syria,at krisis ng Ukraine.
 

Makikita rito ang kawalang-katarungan ng Amerika.
 

Sa mata ng mga pulitikong Amerikano, ang mga refugee, sa Gitnang Silangan man o sa Ukraine ay kagamitan lang para maisakatuparan ang kanilang personal na kapakanang pulitikal at mapangalagaan ang hegemoniya ng Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method