Tsina lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas

2022-03-18 15:38:25  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Marso 17, 2022, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nitong nakaraang Enero at Pebrero ng taong ito, lumaki ng 37.9% ang aktuwal na paggamit sa pondong dayuhan ng Tsina kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon, na lumikha ng bagong rekord.

 

Samantala, ayon sa estadistika, nitong unang dalawang buwan ng 2022, lumaki ng 36.4% ang aktuwal na pamumuhunan ng Amerika sa Tsina, at lumaki ng 109.1% ang aktuwal na pamumuhunan ng Alemanya sa Tsina.

 

Bukod dito, lumaki ng 27.8% ang aktuwal na pamumuhunan ng mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” sa Tsina, samantalang 25.5% ang itinaas ng pondo mula sa ASEAN.

 

Ipinahayag naman ni Gao na sa hinaharap, lalo pang palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at malugod na tinatanggap ng Tsina ang pamumuhunan ng mga investors na dayuhan.

 

Patuloy na nagsisikap ang Tsina para ipagkaloob ang mas mainam na serbisyo at mas mabuting kapaligiran ng negosyo para sa mga mamumuhunan ng iba’t ibang bansa, ani Gao.

Tsina lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas_fororder_02kabuhayan

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method