Tsina, makakapaghatid ng pagkakataon ng pagbubukas sa mas maraming kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan

2022-03-16 16:00:14  CMG
Share with:

Sa news briefing nitong Martes, Marso 15, 2022, ipinaliwanag ng mga kaukulang namamahalang tauhan ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma at Ministri ng Komersyo ng Tsina ang mga impormasyon ng taunang government work report ng bansa kaugnay ng kalagayan at patakaran ng kabuhayang Tsino at pagkakataon ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan.
 

Tinukoy ng nasabing mga namamahalang tauhan na sa kasalukuyang taon, dapat ilagay sa mas namumukod na posisyon ng mga gawing ekonomiko ang pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan, pag-isahin ang pagpapalalim ng supply-side structural reform at pagpapalawak ng pangangailangang panloob, at pag-ibayuhin ang pagsuporta sa pag-unlad ng real economy.
 

Anila, ang pag-aalok ng Tsina ng pagbuo ng bagong kayarian ng pag-unlad, na ang mahalagang elemento ay domestic circulation, at maaaring pasulungin ng isa’t isa ang domestic at international circulations, ay makakapaghatid ng pagkakataon ng merkado at pagbubukas para sa mas maraming kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan.
 

Ipinalalagay naman ng mga kinatawan ng mga kompanyang Tsino’t dayuhan na sa kalagayan ng pagiging masalimuot ng kapaligirang panlabas, ang paggigiit ng Tsina sa pagpapatatag ng paglago, at pagpapahalaga ng de-kalidad na pag-unlad ay mabisang nakapagpasulong sa pamumuhunan ng mga kompanyang may puhunang dayuhan, at nakapagpasigla ng kompiyansa nila sa pagpapaunlad ng sarili sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method