Wang Yi, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng SCO

2022-03-18 15:08:44  CMG
Share with:

Wang Yi, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng SCO_fororder_20220318WangYi

Nakipagtagpo nitong Huwebes, Marso 17, 2022 sa Beijing si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Zhang Ming, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Ipinahayag ni Wang na sa pagharap sa mga epekto na dulot ng krisis ng Ukraine, dapat patingkarin ng SCO ang mas positibong papel sa pangangalaga sa katatagan at seguridad na panrehiyon at pandaigdig.

Samantala, binati ni Wang ang panunungkulan ni Zhang bilang Pangkalahatang Kalihim ng SCO. Ipinahayag ni Wang na bilang host country ng SCO, patuloy na kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Pangkalahatang Kalihim at Sekretaryat ng SCO.

Ipinahayag ni Zhang na buong sikap na isasakatuparan niya at Sekretaryat ang mga tungkulin nito para bigyang-ambag ang pag-unlad ng SCO. Sinabi pa niyang lubos na pinahahalagahan ng SCO ang kalagayan ng Ukraine. Umaasa aniya siyang mapapanumbalik ang kapayapaan sa bansang ito sa lalong madaling panahon.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method