Relasyong Sino-Amerikano at situwasyon ng Ukraine, pinag-usapan ng mga lider ng Tsina at Amerika

2022-03-19 10:30:33  CMG
Share with:

Relasyong Sino-Amerikano at situwasyon ng Ukraine, pinag-usapan ng mga lider ng Tsina at Amerika_fororder_20220319XiBiden650

Nag-usap sa telepono nitong Biyernes ng gabi, Marso 18, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika kung saan malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, situwasyon ng Ukraine, at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.

Ipinahayag ni Biden na 50 taon na ang nakararaan, ipinalabas ng Amerika at Tsina ang “Komunike ng Shanghai.” Ngayon aniya ay muling nasa masusing panahon ang relasyong Amerikano-Sino.

Inulit ni Biden na hindi nais ng Amerika na magkaroon ng “New Cold War” sa Tsina, walang planong baguhin ang sistemang Tsino, hindi tinatarget ang Tsina sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga alyansa, hindi sinusuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan,” at wala itong balak na magkaroon ng sagupaan sa Tsina.

Ani Biden, nakahanda ang panig Amerikano na matapat na makipagdiyalogo sa Tsina at igiit ang patakarang “Isang Tsina” upang mabisang kontrulin ang kompetisyon at alitan ng kapwa bansa at mapasulong ang matatag na pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino.

Tinukoy naman ni Panuglong Xi na kasalukuyang nahaharap sa mahigpit na hamon ang tema ng siglo na kapayapaan at kaunlaran. Bilang kapwang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at pinakamalaking dalawang ekonomiya sa daigdig, dapat hindi lamang bigyang-patnubay nila ni Biden ang relasyong Sino-Amerikano tungo sa tumpak na landas, kundi dapat isabalikat ang kanilang karapat-dapat na obligasyong pandaigdig para makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan at katahimikang pandaigdig.

Tungkol sa nabanggit na posisyon ni Biden, ipinahayag ni Xi ang lubos na pagpapahalaga. Diin niya, sinang-ayunan nila ni Biden na dapat igalang ng Tsina at Amerika ang isa’t-isa, mapayapang makipamuhayan, at iwasan ang konprontasyon.

Kaugnay ng isyu ng Taiwan, tinukoy ni Xi na ipinalabas ng ilang personaheng Amerikano ang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.” Ito aniya ay napakamapanganib.

Ani Xi, kung hindi maayos na hahawakan ang isyu ng Taiwan, napakalaking negatibong epekto ang idudulot nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Dagdag pa niya, noon, ngayon at sa hinaharap, pawang may pagkakaiba ang Tsina at Amerika. Mahalagang bagay aniya ay kontrulin ang pagkakaiba.

Isang matatag na relasyong Sino-Amerikano ay makakabuti sa kapwa panig, ani Xi.

Nagpalitan din ng palagay ang dalawang lider tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Ukraine.

Isinalaysay ni Biden ang posisyon ng panig Amerikano. Ipinahayag niya ang kahandaang makipagkoordina sa panig Tsino upang maiwasan ang paglala ng situwasyon.

Tinukoy ni Xi na ayaw makita ng panig Tsino na humantong sa ganito ang kasalukuyang situwasyon ng Ukraine.

Palagian aniyang naninindigan ang panig Tsino sa kapayapaan at tumututol sa digmaan, at ito ang tradisyong historikal at kultural ng Tsina.

Ani Xi, sa mula’t mula pa’y pinaninindigan ng panig Tsino ang nagsasariling paggawa ng desisyon alinsunod sa katotohanan ng pangyayari, itinataguyod ang pangangalaga sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, iginigiit ang pagkilos alinsunod sa UN Charter, at pinaninindigan ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng ideyang panseguridad. Ang mga ito ay sandigan ng paghawak ng panig Tsino sa krisis ng Ukraine, ani Xi.

Ipinahayag pa ni Xi ang kahandaang magkaloob ng ibayo pang makataong tulong sa Ukraine at mga apektadong bansa.

Dapat isagawa ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang diyalogo sa Rusya para maayos na mahawakan ang sanhi sa likod ng krisis ng Ukraine at malutas ang pagkabahalang panseguridad ng Rusya at Ukraine, diin pa ni Xi.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method