Sa preskon nitong Martes, Marso 22, 2022, ipinahayag ni Zhu Tao, Puno ng Tanggapan ng Aviation Safety ng Civil Aviation Administration ng Tsina (CAAC), na wala pang natuklasang nakaligtas sa flight MU5375 ng China Eastern Airlines na bumagsak nitong Lunes, Marso 21 sa Lunsod ng Wuzhou, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.
Gayunman, patuloy aniya ang paghahanap ng mga rescue team sa lugar-pinangyarihan, at sa susunod na yugto, buong sikap na sisiyasatin ng mga working group ang mga pangyayari, lalo na ang hinggil sa black box ng eroplano, para linawin ang dahilan ng pagbagsak.
Bumagsak ang flight MU5375 habang lumilipad mula Lunsod Kunming, Lalawigang Yunnan papunta sa Lunsod Guangzhou, Lalawigang Guangdong.
Lulan nito ang 123 pasahero at 9 na tripulante.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio