Tsina at Myanmar, nagtutulungan sa pagpoprodyus ng bakuna kontra COVID-19

2022-03-24 16:06:03  CMG
Share with:

Yangon, Myanmar - Sa kanyang talumpati Marso 23, 2022 sa seremonya ng pagpapasinaya sa Myancopharm COVID-19 Vaccines na magkasamang ginawa ng Tsina at Myanmar, ipinahayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ang pabrikang nasa ilalim ng kooperasyon ng Sinopharm at Myanmar Pharmaceutical Industry (MPI), ay ang kauna-unahang pabrika sa rehiyong Asya-Pasipiko na opisyal na nagsimulang magprodyus ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Tsina at Myanmar, nagtutulungan sa pagpoprodyus ng bakuna kontra COVID-19_fororder_02bakuna

Aniya, matutulungan nito ang Myanmar upang magkaroon ng kakayahang makapagprodyus ng bakuna at iba pang biolohikal na produkto.

 

Ani Chen, hindi lamang nito mapapataas ang kakayahan ng bansa sa paggawa ng gamot, mapapalakas din nito kakayahan ng bansa sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

 

Ayon sa plano, ipoprodyus ng MPI ang 1 miyong dosis ng bakuna bawat buwan, at aabot sa 10 milyon ang dosis ng bakunang gagawin ng MPI sa loob ng isang pinansyal na taon, mula 2022 hanggang 2023.

 

Pinaplano ng MPI na ipagkaloob ang mga bakuna sa Ministri ng Kalusugan ng Myanmar sa katapusan ng Abril 2022, at gagamitin ang mga ito sa inokulasyon ng mga mamamayan ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method