Joe Biden: hindi direktang makikisangkot ang mga tropang Amerikano sa sagupaan ng Rusya at Ukraine

2022-03-27 13:56:51  CMG
Share with:

Sa talumpating binigkas ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa Warsaw, Poland nitong Sabado, Marso 26 (local time), 2022, ipinahayag niya na ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) ay isang alyansang pandepensa.

Aniya, ang Ukraine ay hindi kasaping bansa ng NATO, kaya hindi kailangang direktang makisangkot ang Amerika sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.

Layon aniya ng pagkakatalaga ng mga tropang Amerikano sa Europa na depensahan ang mga kaalyadong bansa ng NATO sa halip na makipagdigma para sa Ukraine.

Samantala, maraming ulit na binatikos ni Biden ang ginagawang aksyon ng Rusya sa Ukraine.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method