CMG Komentaryo: Kung talagang nagmamalasakit ang Amerika sa mga mamamayang Ukranian, dapat ipagkaloob nito ang kapayapaan sa halip ng mga sandata

2022-03-22 10:49:10  CMG
Share with:

“Ang pahayag tungkol sa umano’y pagkakaloob ng panig Tsino ng tulong militar sa panig Ruso ay pekeng impormasyon, at tinututulan ito ng panig Tsino.” Winika ito ni Qin Gang, Embahador Tsina sa Amerika sa isang panayam ng Columbia Broadcasting System (CBS) ng Amerika.

Buong tinding pinabulaanan ni Qin ang ginagawang pagdungis ng Amerika at bansang Kanluranin sa Tsina sa katuwiran ng isyu ng Ukraine.

Sapul nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Rusya at Ukraine, walang patid na ikinakalat ng ilang politiko at mediang Amerikano ang mga huwad na impormasyon laban sa Tsina.

Samantala, sinusuportahan ng ilang bansang Kanluranin ang nasabing pag-atake laban sa Tsina.

Base dito, nagbabanta ang ilang opisyal na Amerikano na ipataw ang sangsyon sa mga kompanyang Tsino.

Kilala sa komunidad ng daigdig ang nasabing panlilinlang ng Amerika.

19 na taon na ang nakararaan, sa pamamagitan ng washing powder na pinalabas bilang chemical weapon, nilinlang ng panig Amerikano ang buong mundo at inilunsad ang mapanalakay na digmaan laban sa Iraq.

Ang “bantog na pananalita” ni Mike Pompeo, dating Kalihim ng Estado ng Amerika na “We Lie, We Cheat, We Steal” ay nagsisilbing pinakamabuting paliwanag ng huwad na istilong Amerikano.

Sa isyu ng Ukraine, niluluto muli ng panig Amerikano ang mga pekeng impormasyong nakatuon sa Tsina na naglalayong dungisan ang Tsina, sirain ang relasyong Sino-Ruso, at ilipat ang responsibilidad sa iba.

Sapul nang sumiklab ang krisis ng Ukraine, lagi’t laging nagpupunyagi ang panig Tsino sa pagpapasulong ng talastasan.

Hanggang sa ngayon, ipinagkaloob ng ilang beses ng panig Tsino ang maraming makataong tulong sa Ukraine na kinabibilangan ng mga pagkain, gamot, sleeping bags, infant milk powder, at iba pa, sa halip ng pagkakaloob ng mga sandata sa anumang nagsasagupaang panig.

Sa panig ng Amerika, sapul nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Rusya at Ukraine, walang tigil na hinihiling ng panig Amerikano sa mga bansang Kanluranin na isagawa ang komprehensibong sangsyon laban sa Rusya, at ipagkaloob ang napakaraming tulong militar sa Ukraine, bagay na pinalalala ang maigting na situwasyon.

Sino ang nangangalaga sa kapayapaan, at sino ang nagsusulsol sa konprontasyon? Magpapasya ang komunidad ng daigdig ng makatarungang konklusyon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method