CMG Komentaryo: Dapat ipakita ng Amerika ang katapatan nito sa daigdig

2022-03-19 18:23:18  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono nitong Biyernes, Marso 18, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, ipinahayag ng una na hindi lamang dapat bigyang-patnubay ng kapwa bansa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano tungo sa tumpak na landas, kundi dapat nilang isabalikat ang karapat-dapat na obligasyong pandaigdig upang makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan at katahimikan ng buong mundo.

Patuloy hanggang ngayon ang sagupaang militar sa pagitan ng Rusya at Ukraine na sinusulsulan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pinamumunuan ng Amerika.

Bilang tagapagtaguyod sa krisis ng Ukraine, binabalewala ng panig Amerikano ang sariling responsibilidad, puspusan nitong pinapatawan ng presyur ang iba para ibaling ang pansin at kunin ang bentahe.

Dahil dito, nahaharap ang relasyong Sino-Amerikano at kapayapaang pandaigdig sa mas maraming hamon.

Sa nasabing pag-uusap, inulit ni Biden na hindi nais ng Amerika na magkaroon ng “New Cold War” sa Tsina, walang planong baguhin ang sistemang Tsino, hindi tinatarget ang Tsina sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga alyansa, hindi sinusuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan,” at wala itong balak na magkaroon ng sagupaan sa Tsina.

Ipinahayag naman ni Pangulong Xi ang pagpapahalaga tungkol dito. Tinukoy niyang ang kasalukuyang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano ay idinudulot ng di pagsasakatuparan ng panig Amerikano ng kaukulang nitong pangako.

Tinukoy ni Xi na ipinalabas ng ilang personaheng Amerikano ang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.” Ito aniya ay napakamapanganib.

Diin ni Xi, kung hindi maayos na hahawakan ang isyu ng Taiwan, napakalaking negatibong epekto ang idudulot nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Dapat bigyan ng panig Amerikano ang sapat na pagpapahalaga ang isyung ito at magtimpi sa pananalita at kilos nito upang maiwasan ang kapinsalaan sa sarili, dagdag ng pangulong Tsino.

Kaugnay naman ng krisis ng Ukraine, inulit ni Xi na ang kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin ay ipagpatuloy ang diyalogo at talastasan, iawasan ang kasuwalti ng mga sibilyan, pigilin ang paglitaw ng makataong krisis, at itigil ang sagupaan sa lalong madaling panahon.

Diin ni Xi, ang pangmalayuang kalutasan sa kaukulang isyu ay paggagalangan sa isa’t-isa ng mga malalaking bansa, pagtatakwil ng “Cold War Mentality,” di pagsasagawa ng camp confrontation, at unti-unting pagtatatag ng balanse, mabisa, at sustenableng kayariang panseguridad sa rehiyon at buong daigdig.

“He who tied the bell to the tiger must take it off.” Sinipi ni Pangulong Xi ang nasabing kasabihang Tsino sa pag-uusap nila ni Biden.

Sana’y isakatuparan ng panig Amerikano ang pagkakasundo ng dalawang lider sa aktuwal na aksyon at ipatupad ang nagawang pangakong pulitikal ni Biden.

Kung inaatake, dinudungisan at binabantaan ng panig Amerikano ang Tsina habang hinihingan ng suporta at tulong ang panig Tsino, wala itong anumang kuwenta.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method