Mula Marso 30 hanggang Marso 31, 2022 sa lunsod Tunxi ng lalawigang Anhui ng Tsina, mangungulo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga kapitbansa ng Afghanistan.
Lalahok din sa naturang pulong ang mga Foreign Ministers o kinatawan ng Pakistan, Iran, Rusya, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.
Ipinatalastas ito nitong Marso 28, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sinabi pa niyang sa kasalukuyan, ang Afghanistan ay nasa masusing panahon ng pagbabago mula kaguluhan tungo sa kaayusan. Kinakaharap ng mga Afghans ang maraming hamon, at kailangan ang suporta at tulong galing sa sirkulong panlabas.
Umaasa ang Tsina na ipagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang mas maraming suporta sa Afghanistan. Nanawagan ang Tsina sa Amerika na aktuwal na isakatuparan ang pangunahing responsibilidad nito sa kabuhayan ng Afghanistan, ani Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Mac